Home Lifestyle Beauty Angel Locsin to Bashers: “Katawan ko ‘to, ako ‘to, sarili ko ‘to”

Angel Locsin to Bashers: “Katawan ko ‘to, ako ‘to, sarili ko ‘to”

Angel Locsin to Bashers: “Katawan ko ‘to, ako ‘to, sarili ko ‘to”

201
0

May mensahe si Angel Locsin sa kanyang mga kritiko na kumukutya sa kanyang kasalukuyang hugis.

Matatandaan na naagaw ni Angel ang atensyon ng mga netizen dahil sa laki ng pinagbago ng kanyang katawan.

Kumalat kasi ang mga litrato ni Locsin na bumisita kamakailan lang sa Our Lady of Grace Church sa Caloocan.

“Nagsimba lang naman kami nakita ko na si Angel Locsin super gandaaaa. Sabi nya samin ‘Hi po sorry sandali lang po ah’,” saad ng netizen na nakakita sa aktres.

Marami naman ang humanga parin sa kanya dahil tila ay confident siya kahit na malaki ang nadagdag sa kanyang timbang at hindi parin nagbabago ang kanyang ugali na minahal ng karamihan.

Ipinaliwanag niya sa isang interview noon na walang kaso sa kanya kung dumagdag man ang kanyang timbang.

Ayon kay Locsin ay ayaw niya ng patulan ang mga tao na bumabatikos sa kanyang timbang dahil wala naman siyang problema dito.

“May mga bagay kasi na hindi mo dapat gawin sa kapwa mo. Kung ang taong ito comfortable siya sa ginagawa niyang ‘yan, ayaw ko mag-deal sa mga ganu’ng klaseng tao. Kasi sad ang life niya. Kasi ako, wala akong problema. Bakit ikaw ang dami mong isyu?”

“Ako nga, walang isyu, eh. Katawan ko ‘to, ako ‘to, sarili ko ‘to.”

“Eh, ikaw, okay ka ba?”

Ayon kay Locsin ay nakaapekto ang kanyang kondisyon sa pagtaas ng kanyang timbang dahil narin sa mga iniinom niyang gamot.

Hindi na rin siya maaring gumalaw galaw katulad ng ginagawa niya dati kaya’t nagdesisyon siya na umatras noon sa pagbabalik niya bilang Darna.

source: dailybnc

Comments

comments