Home Videos Hindi kasi tuta kaya gustong ipa-assassinate?! | P-Duterte, hindi malabong ipapatay ng...

Hindi kasi tuta kaya gustong ipa-assassinate?! | P-Duterte, hindi malabong ipapatay ng CIA

Hindi kasi tuta kaya gustong ipa-assassinate?! | P-Duterte, hindi malabong ipapatay ng CIA

1912
0

SA kasaysayan ng Central Intelligence Agency (CIA) ng gobyerno ng Estados Unidos, marami nang napatay na mga lider ng mga bansang lumalaban sa bayan nila kaya hindi na kataka-taka nang sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na may balak ang CIA na patayin siya.

Nagulat ba kayo? Ano ang akala ninyo, mga anghel ang Amerikano? Sa pelikula lang ‘yun, magaling kasi sa propaganda ang mga Kano kaya nagogoyo ang utak ng marami. Sa kanonood ng mga produkto ng Hollywood tungkol sa CIA, mapahahanga ka sa ka­nila at madalas, ang mga taga-Russia o China ang ginagawa nilang kontrabida.

Pero ang katotohanan ay ang Amerika ang puno’t dulo ng maraming gulo sa buong mundo. Madalas, ang nasa sentro ng mga kaguluhan ay ang ahensiya nila at sa pag-espiya ay ang CIA. Ang pangunahing hangarin nila ay palawakin ang imperyalistang hawak ng U.S. sa mga bansa at mga lider nito.

Kaya kapag may nabalitaan kayong lider na bumabatikos sa U.S., bantayang mabuti at siguradong may operasyon ang CIA. Sa South America ay marami nang ginawang pakikialam ang mga Kano. Dokumentado ang mga ito at nagkaroon pa ng imbestigasyon ang U.S. Senate tungkol dito.

Mahaba ang listahan pero ang ilan lang sa mga lider sa South America na ipinapatay ng CIA ay sina Che Guevara ng Bolivia, Salvador Allende ng Chile at Omar Torrijos ng Panama. Si Fidel Castro, pangulo dati ng Cuba ay ilang ulit sinubukan ng CIA na patayin sa pamamagitan ng paglalagay ng lason sa pagkain at tabako nito.

May kinalaman din ang CIA sa pagkakatanggal sa kapangyarihan nina Muammar Gaddafi ng Libya, Saddam Hussein ng Iraq at hanggang ngayon, ipini­pilit pa rin nitong pabagsakin si Bashar Assad ng Syria. Kung hindi tinutulungan ng Russia ang Syria, siguradong matagal nang bumagsak si Assad at mapasasakamay na ng U.S. ang Syria at mga oil field nito.

Mahilig magplano at mag-organisa ng kudeta sa buong mundo ang CIA, sa Africa, Europa at Asya. Pare-pareho ang modus-operandi: Sisiraan muna ang kasalukuyang lider tapos popondohan ang opo­sisyon, hahawakan ang media, makikipag-areglo sa masasamang elemento ng militar at boom! Kudeta na!

Sabi nga ng isang abogadong taga-Haiti kung saan ang presidente nitong si Jean-Bertrand Aristide ay nakudeta ng CIA, bakit daw walang kudeta sa Washington D.C. na kapital ng U.S? Ang sagot: Kasi walang U.S. Embassy sa Washington, D.C!

‘Open secret’ sa sirkulo ng mga diplomatiko na ang mga nagiging embahador ng U.S. ay mga ahente rin ng CIA at kung hindi man sila ahente, nakiki­pagtulungan sila sa CIA para matamo ang kanilang mga layunin sa lugar.

Isa sa mga ahente diumano nila ay ang dating U.S. Ambassador sa Pilipinas na si Philip Goldberg. Mayroon ngang ulat na lumabas noon na may “blueprint” o plano raw si Goldberg na pabagsakin sa puwesto si P-Duterte sa loob ng 18 buwan. Siyempre, todo-deny ang U.S. Embassy tungkol dito.

Pero tingnan na lang ninyo ang karanasan ni Goldberg at makikitang palagi itong ipinadadala sa mga lugar na nagkakaroon ng kaguluhan. Nagtrabaho siya sa mga embassy ng U.S. sa Bolivia, Chile, Kosovo, Philippines at ngayon ay sa Cuba naman. Abangan natin kung anong gulo ang mangyayari sa Cuba habang naroon siya.

Si Goldberg ay isa sa mga naunang namura at binansagan pang “bakla” ni P-Duterte. Naalala natin ito, kauumpisa pa lang ng termino ni P-Duterte at binabanatan na siya ng U.S. at ng European Union. “Buwisit ako riyan,” sabi niya kay Goldberg. “Na­kikisali roon sa election, pa-statement pa. Hindi ka puwedeng makialam dito.” Pati si President Barack Obama ay na-“PI” rin ni P-Duterte nang ba­tikusin nito ang kauumpisa pa lang na admi­nistrasyong Duterte.

Ayaw ng U.S. kay P-Duterte dahil sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Pilipinas, ang presidente natin ay hindi tuta ng mga Amerikano. Inuuna ni P-Duterte ang interes at pangangailangan ng mga Pilipino at hindi ito nakikinig sa dikta ng U.S.

Halimbawa, sa isyu ng relasyon ng China-Philip­pines, gusto ng U.S. ay awayin natin ang mga Chinese. Takot kasi ang mga Kano na lalaki nang husto ang ekonomiya ng China habang ang sa kanila naman ay humihina. Kaya nanalo si Donald Trump, matapos mangako sa mga botante sa U.S. na, “I will make American great again.”

Inilihis ni P-Duterte ang Pilipinas mula sa masa­mang impluwensiya ng U.S. Ngayon, indipendiyente na ang ating foreign policy. May karapatan tayong makipagkaibigan at makipagnegosyo sa China, Russia at iba pang mga bansa na nais tayong tulungan.

Ngayon, respetado na tayo sa buong mundo. Hindi na kasi tuta ang tingin sa Pilipinas. Iniangat na ni P-Duterte ang pride ng mga Pilipino sa sarili ni­lang pag-iisip at kakayahan.

Ang hirap kasi sa mga Amerikano, nasanay sila na tuta tayo. Dati kasi, kaunting salita lang ng State Department nila, nanginginig na ang mga presidente natin. Ibahin ninyo si P-Duterte. Wala itong pakialam. Kaya sinabi niya na may balak ang CIA na ipa-assassinate siya para alerto tayong lahat.

Balak ng gobyerno natin na bumili ng submarine mula sa Russia. Alam ba ninyo na halos lahat ng mga bansa sa Asya ay mayroon nang submarine, tayo lang ang wala? Archipelago tayo, napaliligiran ng da­gat at lohikal lang na may submarine tayo para sa ating pangdepensa.

Napakaganda pa ng terms na ibibigay ng Russia sa atin. ODA o halos walang interest at sa loob ng ilang dekada ito babayaran. Ang U.S. kapag nagbigay ng gamit sa Pilipinas, mga luma na, may bayad pa! Ilang Huey helicopters mula sa U.S. ang bumagsak at nakapatay ng tao? Kaibigan ba ang nagbibigay ng lumang gamit o tusong-matsing?

source: bulgar

Comments

comments