Home Lifestyle Fitness Humirap ang Buhay Dahil kay Duterte ‒ Leni Robredo

Humirap ang Buhay Dahil kay Duterte ‒ Leni Robredo

"Humirap ang Buhay Dahil kay Duterte" ‒ Leni Robredo

4944
0

Sinisisi ngayon ni Vice President Leni Robredo si Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa lagay ng ekonomiya at pamumuhay ng mga tao sa Pilipinas.

“Hinalal kami ng taumbayan para guminhawa ang kanilang buhay. Pero dahil sa diskarte ng Pangulo nitong dalawang taon, tumaas ang presyo ng mga bilihin, lalong humirap ang buhay, dumami ang alegasyon ng korapsyon,”

Pahayag ng Pangalawang Pangulo Ukol sa Binitawang Salita ni Pangulong Duterte

Wala namang may gustong magkasakit ang Pangulo. Pero hindi dahilan ang sakit para maliitin na naman ako.
Hinalal kami ng taumbayan para guminhawa ang kanilang buhay. Pero dahil sa diskarte ng Pangulo nitong dalawang taon, tumaas ang presyo ng mga bilihin, lalong humirap ang buhay, dumami ang alegasyon ng korapsyon, at libo-libong mga Pilipino ang pinatay.
Hindi ko ugali ang mamulitika; mas gusto kong tahimik na magtrabaho. Pero sasabihin ko ito ngayon: ang tapang, lakas, at diskarte, hindi nadadaan sa mapanirang salita. Ang kailangan ng taumbayan ay tapang sa gawa.

Umaksyon tayo sa problema ng bayan, kaysa puro sisi ang binabato: sa dating administrasyon, sa kanyang mga kritiko, sa akin. Sinumpaan naming mga lider na magtatrabaho kami para sa mga kapwa naming Pilipinong bumabangon araw-araw para mabigyan ng mas magandang buhay ang kanilang pamilya.
Bumabangon ako araw-araw para gawin yan.

Source: VP Leni Robredo

Comments

comments