Home government KAPA Founder, aminadong walang solusyon na maibalik ang pera ng mga biktima

KAPA Founder, aminadong walang solusyon na maibalik ang pera ng mga biktima

KAPA Founder, aminadong walang solusyon na maibalik ang pera ng mga biktima

7448
0

Muli na namang naglabas ng video ang Kabus Padatuon (KAPA) investment scam founder na si Joel Apolinario para sa kaniyang mga miyembro na nananawagan na magsagawa ng synchronize prayer rally.

Sa nasabing video na tumagal ng dalawang minuto, nagpahayag ito na sa ngayon ay naka-freeze ang lahat ng pera at assets na nakapangalan sa kaniya at sa kaniyang asawang si Reyna Apolinario matapos ang crackdown ng gobyerno laban sa iligal na operasyon ng KAPA.

ALSO READ: KAPA’s Assets in 10 Businesses owned by wife – SEC

Aminado ang KAPA founder na wala na itong solusyon kung papaano maibalik ang pera ng kanilang mga miyembro na nag-invest ng kanilang pera at tanging panalangin na lamang ang kanilang magagawa.

Dagdag pa nito na kasalukuyang nagtatago dahil sa banta sa kaniyang buhay.

Una nang binansagan na “continuing crime” ang ginagawa ng KAPA na nagtatago sa relihiyon upang makahikayat ng maraming investors ngunit “Deed of Donation” ang pinapipirmahan upang walang habol ang mga biktma.

Ilang KAPA victims na rin gaya ni alyas Mildred na nag-invest ng P500,000 ang nanawagan na harapin ni Apolinario ang mga miyembro upang maibalik ang kanilang pera.

ALSO READ: KAPA’s Assets in 10 Businesses owned by wife – SEC

Ang mga naka freeze na accounts / assets ay hindi sapat o kulang ito para mabayaran ang mahigit 5Milyong miemebro at dahil sa pagkasara ng KAPA, wala ng pambayad na pang payout sa mga miembro nito dahil wala na at natigil na ang pag re recruit.

ALSO READ: KAPA’s Assets in 10 Businesses owned by wife – SEC

Comments

comments