Home politics Pari na si Fr. Noel Gatchalian pinagdarasal na magkasakit si pangulong Duterte

Pari na si Fr. Noel Gatchalian pinagdarasal na magkasakit si pangulong Duterte

Pari na si Fr. Noel Gatchalian pinagdarasal na magkasakit si pangulong Duterte

8261
0

Paring nagdasal na magkasakit si PDU30: Patawarin sana ang pari ng Panginoon- SAP Go

Ito ang tugon ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go sa sinabi ni Father Noel Gatchalian sa homily sa kanyang misa kasama si Senador Antonio Trillanes IV na idinaos sa Senado.

“Winawalang-hiya ang ating relihiyon at binabastos ang ating Diyos. Pinagdasal ko na magkasakit si Digong. Diba sabi niya pagod na siya kaya magpahinga na siya,” ang bahagi ng homily ni Fr. Gatchalian.

Sa ulat, bumuhos ang taga suporta ni Senador Trillanes upang makiisa sa banal na misa at maliwanagan ang mga opisyal ng gobyerno tungkol sa kanilang ginagawa sa Senador.

Galing pa sa iba’t ibang lugar sumugod sa Senado ang mga tagasuporta ni Trillanes upang ipakita ang kanilang mainit na suporta sa Senador.

Naniniwala ang mga taga suporta ni Trillanes na pinipersonal siya ni pangulong Duterte dahil kilala ang Senador na kritiko ng pangulo.

Ayon kay Fr. Robert Reyes patuloy na pananakot ng Duterte Administration na ang mensahe ay patatahimikin ang lahat ng mga kritiko ni pangulong Duterte.

Umapila si Fr. Reyes sa lahat ng mga hindi natatakot sa katotohanan na dapat ay lumabas na at suportahan si Senador Trillanes sa kanyang ipinaglalaban.

Bukod kina Fr. Robert Reyes at Fr. Noel Gatchalian ay kasama rin sa banal na misa si Fr. Flavie Villanueva.

source: remate.ph
by: (Kris Jose)

Comments

comments