Bilang mga magulang, wala tayong ibang ninanais sa buhay kundi ang mabigyan ng m agandang kinabukasan ang ating mga anak. Ang tanging nais natin ay maibigay ang kanilang mga pangangailangan at mapagtapos sila ng kanilang pag-aaral.

Hindi madaling magawa ang mga ito kung kaya naman kailangan ang pagtutulungan hindi lamang ng mag-asawa kundi ng buong pamilya. Ngunit kamakailan lamang, tila kurot sa puso ng publiko ang napakahirap na sitwasyon ng mag-amang ito dahil sa kailangang pasanin ng ama sa kaniyang likuran ang kaniyang anak habang naglalako ito ng taho.

Kahit pa nga patuloy pa rin nating nararanasan ang pandemya sa ngayon, hindi alintana ng mag-amang ito ang panganib na maaari silang mahawa ng sakit. Ang netizen na si Jam Perry Branch ang nagbahagi ng kanilang mga larawan online at talaga namang umani ito ng napakaraming komento at reaksyon mula sa publiko.

Ang taho vendor ay nakilala bilang si Richard Paclibare. Agad itong nakarating sa kaalaman ni Raffy Tulfo, sikat na host ng programang “Raffy Tulfo in Action” na siyang tumutulong sa mga taong kapos palad at mga napagsamantalahan ng lipunan.
Labis na nahabag ang host at ang mga tagapanuod nila nang malaman nilang iniwanan pala ng kaniyang asawa si Richard mula nang maisilang nito ang kanilang anak. Mula noon ay siya na ang tumayong ama at ina sa kanilang anak.

Dahil wala na siyang iba pang maasahan na mag-alaga sa kaniyang anak ay dinadala na lamang niya ito sa tuwing maglalaki siya ng taho. Batid naman natin ang hirap ng trabahong ito ngunit hindi niya alintana ang pagpasan sa kaniyang anak sa araw-araw niyang pagtatrabaho.

Dahil sa kumalat sa social media ang larawan ng mag-ama ay marami nang nagpaabot ng tulong sa kanila na mga netizens. Gayundin naman ay nagbigay din ng “food cart business” si Raffy Tulfo upang hindi na mahirapan pa ang mag-ama sa araw-araw na paglalako ng taho.

Mayroon pang grocery items ay pinansyal na tulong na ibigay si Raffy para sa mag-ama.

source: dailyfeed

Comments

comments