Home government Tinitiyak namin na ang 2019 Automated Election ay di kayang manipulahin ninuman...

Tinitiyak namin na ang 2019 Automated Election ay di kayang manipulahin ninuman – James Jimenez

Tinitiyak namin na ang 2019 Automated Election ay di kayang manipulahin ninuman - James Jimenez

1361
0

Hindi umano kayang dayain o manipulahin ninuman ang automated election system (AES) na gagamitin sa 2019 elections.

Ito ang tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) matapos maaresto ang isang babae na lumalapit umano sa mga kandidato at sinisiguro sa mga ito ang panalo sa eleksyon sa pamamagitan ng pagmanipula sa AES.

Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, nuong pang 2010 subok na ang integridad ng AES. Kasabay nito, iginiit ni Jimenez na walang katotohanan ang ipinapangako ng naturang babae sa mga pulitiko.

“We would like to assure all candidates that the AES is fair and secure, and will count the votes correctly,” sabi ni Jimenez.

“So far, it has been very accurate in counting the votes. The Comelec has faced numerous investigations and that there have been no evidence that the results were wrong or tampered. The will of the people shall prevail,” dagdag nito.

Dahil dito, hinikayat ng COMELEC ang publiko na magsumbong sa kanila o sa mga otoridad sa oras na may malamang mga sindikato o indibidwal na gumagawa ng ganitong klaseng panloloko.

Source: DWIZ

Comments

comments